Lolit Solis defends Marian Rivera over jealousy issue

Lolit Solis defends Marian Rivera over jealousy issue.

Since Marian Rivera entered showbiz, the ‘selosa’ issue was always attached to her name. But the Kapuso Primetime Queen knew how to handle the issues and controversies surrounding her.

“Siguro sa tagal ko sa showbiz na paikot-ikot, natuto na ako. Tsaka may mga pagkakataon, yung mga intriga, siguro may mga pagkakataong tumahimik ka na lang na hindi mo naman kailangang ipaliwanag, i-build up ang sarili mo. Pero may mga pagkakataon sigurong kailangan ding magsalita,”she said.

Marian revealed that she and husband Dingdong Dantes are done with jealousy issue.

“E, di ba, napangasawa ko na, may anak kami. Sa akin naman umuuwi. Lahat na ginagawa. Ano pa ba ang gusto, i-tumbling ang asawa ko? Lahat na ‘binigay. Wala na, yun na yun,” she revealed.

Lolit Solis, who Marian considers one of her ‘nanay’in showbiz has something to say about Marian being jealous. She posted on Instagram:

“Hay naku, ito na naman ang issue ng selosa o selosan na hindi matigil-tigil. Kalokah naman, isa sa laging issue kay Marian Rivera ang pagiging selosa nito. So anong masama dun? Ipokrita ang tao na nagsasabi na hindi siya nagseselos lalo pa at mahal niya iyong tao, pero lalong ipokrita iyong isang asawa na hahayaang makita na agawin ang legal property niya. Sige sabihin na sobrang selosa si Marian to the point na nagiging confrontational na raw kung minsan. Pero nalimutan n’yo na ba kung paano ilaban ni Annabelle Rama si Eddie Gutierrez simula’t sapul? ‘Di ba kung minsan iyong mga babaeng pinagse-selosan ni Annabelle pinadadalhan pa niya ng bulaklak ng patay? Kanya-kanyang diskarte iyan sa laban para ipagtanggol mo ang property mo. Kung saan inaakala ni Marian na dapat niyang ilaban si Dingdong, karapatan niyang gawin ‘yun. Tulad ni Anabelle, o ‘di ba. Si Eddie sa rami ng girls nun, hanggang ngayon kaya? Si Marian may tiwala kay Dingdong pero wala siguro siyang tiwala sa mga babae na feeling niya gustong ‘tikman’ ang papa ni Zia kaya give her the liberty to protect her man the way she wants. Walang basagan ng trip, kanya-kanyang diskarte. Ang payo ko lang sa mga ‘shock’ sa mga naririnig nila na ginagawa daw Marian dahil sa selos, well ‘ako legal wife, ikaw babae sa dilim forever.’ Iyan dapat dialogue Marian. Manigas kayo. Hah hah hah. #70naako #lolitkulit #instatalk ❤️ “

IMG_6667

Many fans of Marian thanked Manay Lolit Solis for defending Marian against the ‘selosa’ issue.

Motherhood definitely changed Marian a lot, like her points of view, priorities and personality.

“Sa totoo lang, nakakadiri nga ang term na selos. Sukang-suka na ko sa term na ‘yan dahil buong buhay ko, ‘yan ang sinasabi.”


Loading...