PEP: Describe Dingdong.
Marian: He’s lovable! Oo naman, very lovable.
PEP: Kung dessert si Dingdong, ano siya at bakit?
Marian: Chocolate, dahil favorite ko ang chocolate at never akong magsasawa. Kahit anong brand, basta chocolate, favorite ko. Parang si Dingdong, hindi ako magsasawa.
PEP: Kung gamit sa bahay si Dingdong, ano siya at bakit?
Marian: Kaldero dahil mahilig akong magluto. Never magiging complete ang pagluluto kung walang kaldero. Ganun si Dingdong sa akin, hindi makukumpleto ang buhay ko kung wala siya.
PEP: Kung ulam si Dingdong, ano siya at bakit?
Marian: Sinigang dahil favorite ko yun, lalo na kung sinigang na hipon. Favorite naming dalawa ang hipon. Pareho kaming excited pag yun ang ulam sa taping. Siyempre, pinaghihimay niya ako.
PEP: Kung color si Dingdong, anong kulay siya?
Marian: White dahil totoong tao siya at sobrang bait. Mabait si Dingdong hindi lang sa mga kakilala niya, pati sa mga taong lumalapit sa kanya.
PEP: Kung flower si Dingdong, ano siya?
Marian: Sampaguita dahil kahit malayo siya, maaamoy mo na at magandang amoy ang dala niya. Ang sampaguita ay isinasabit sa mga santo, pero hindi ko sinasabing santo si Dingdong. Mabango talaga siya at madaling maamoy… Hindi naman ako mukhang in-love sa mga sagot ko, ano?
PEP: Kung song si Dingdong, ano kanta siya?
Marian: “So Sexy!” from my dance album dahil sexy siya para sa akin.
PEP: Kung sangkap ng halo-halo si Dingdong, ano siya?
Marian: Milk, of course! Dahil kahit maraming ingredients ang halu-halo, hindi kumpleto at hindi masarap kung walang gatas. Ang milk ang nagpapasarap sa halu-halo, aminin mo!
PEP: Kung cologne si Dingdong, ano siya?
Marian: Denenes. Cologne lang siya, amoy baby at hindi nakakasawa ang amoy. Ito ang ginagamit ko dahil amoy baby. Ganun si Dingdong, amoy baby.
PEP: Anong feature ni Dingdong na gustung-gusto mo sa kanya?
Marian: (Nilingon si Dingdong na nakaupo sa kanyang likod). Hindi feature, kundi smile niya. Dahil gusto ko ‘pag nag-i-smile siya, ang ganda ng aura ng smile niya.
PEP: Ano ang una ninyong pinag-awayan ni Dingdong?
Marian: Wala! Hindi pa kami nag-away. Asaran lang. Pero one minute lang yun at nawawala agad.
PEP: Gaano ka-special si Dingdong sa kanya?
Marian: Sabihin na lang natin na malungkot ako ‘pag wala siya at masaya ako ‘pag nakikita ko siya.
PEP: Nagagawa ba siyang real woman ni Dingdong?
Marian: Hindi. Ang isang babae, ang tingin ko, nagiging buo ang isang babae ‘pag may pamilya, may asawa, at may anak. Hindi lang love, boyfriend, at material things ang nagpapabuo sa isang babae. Bilib ako sa babaeng may anak at nag-aalaga ng anak. Magiging kumpleto ako ‘pag nagkaanak na ako, may family, at may partner na sa buhay.
PEP: What is love with Dingdong as your screen partner?
Marian: Para sa akin, love is happiness and love is inspiration. Kapag may love sa buhay mo, lahat masaya at lahat magagawa mo.