Marian Rivera returns on FHM 100 Sexiest Stage!
Muling rumampa ang kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes sa 100 FHM Sexiest women of 2016 victory party para tanggapin ang “Hall of Fame” Award na ginawad sa kaniya ng FHM.
Si Marian ang kauna-unahang awardee ng FHM Hall of Fame, bilang pagkilala sa kaniya dahil siya lamang ang natatanging nanalo ng FHM Sexiest Woman in the world ng tatlong beses!
Una noong 2008, at back to back noong 2013 at 2014! Ito ang unang pagrampa ni Marian pagkatapos niyang magpakasal sa mister na si Dingdong Dantes at manganak sa panganay nilang si Maria Letizia.
(Video Below)
Marami ang nasabik sa pagbabalik ni Marian at natuwa na siya ang kauna unahang hall of fame awardee kaya kagabi sa kaniyang pagrampa muli ay trending siya sa twitter hanggang kaninang umaga!
Congratulation Marian! Watch Marian returns on FHM Stage below…
Thank You PEP for sharing the video!