Kris Aquino Mag gu-guest sa Talk show ni Marian sa ‘Yan ang Morning!’
Matagal-tagal narin natin hindi nakikita sa telebisyon si Kris Aquino. March pa ng nag expire ang kanyang kontrata sa ABS-CBN, at pinili niya na hindi na muna mag renew para makapag pahinga at makasama ang kanyang mga anak.
Dahil walang kontrata si Kris sa kahit anong network ay malaya siyang makakapag guest kahit saan network.
Sa kanyang Instagram post kahapon ay nabanggit niya na sa dadating na wednesday ay may gu-guest siya sa talk show ni Marian Rivera-Dantes ang ‘Yan Ang Morning!’
Ito daw ay matagal na niyang pangako kay Dingdong at Marian na kanyang inaanak.
Sa 1st week ng July nakatakda ang pag ere ng Guesting ni Kris sa Yan Ang Morning!
Tiyak na masaya ito at marami silang paguusapan na mag ninang!