Dingdong Dantes called out NYC Chair Ronald Cardema

Dingdong Dantes called out NYC Chair Ronald Cardema

Dingdong Dantes who is a former National Youth Commission Chief called out current National Youth Commission chair Ronald Cardema  for filing a petition to become the substitute nominee for the Duterte Youth party-list group.

The original nominees for Durerte Youth’s party list are Ducielle Marie Suarez, Benilda C. de Guzman, Joseph M. de Guzman and two others. But all 5 nominees of the party list filed for withdrawal while Cardema file to be a subsititute.

Dingdoong posted on his facebook account slamming Cardema. “Clearly, if the petition will be granted, parang na-railroad ang democratic process of choosing the rightful representative. I think we all agree that the young people should never—ever— be disenfranchised, especially in governance. But with the country’s Youth Chief getting into this? Teka lang.

Ipinaglaban at patuloy na itinataguyod ng mga opisyal at empleyado ng NATIONAL YOUTH COMMISSION (NYC) ang karapatan at kakayahan ng kabataang makibahagi sa pamamahala, regardless of regime. Huwag nating hayaang madamay at mabahiran ang importanteng institusyong ito na nangangalaga sa kabataan.

Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag resign siya bilang NYC Chairman. Pwede bang nagising na lang siya isang araw at nag-decide na trip niya?. Maaari kasing nagamit ang ahensya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya. Malinaw din naman ang batas kontra sa partylist na tumatanggap ng kahit anong suporta o may koneksyon sa gobyerno.

Nakakalungkot na bilang pangunahing representante ng kabataan ay lumalabas na nakikisali siya sa pagabuso at pag-circumvent sa Party-List system. Gusto man nating isipin na totoo ang kanyang hangarin, marami siyang dapat ipaliwanag kung paanong nag-withdraw lahat ng nominado ng kanilang Party List at sa biglaan niyang pagpasok bilang substitute ng kaniyang asawa na siyang number one nominee. Eto ba ang values na gusto natin ituro sa mga kabataan?

Sa ating mga bagong mambabatas, please look into the Party-List system. Ipagtanggol at palakasin po sana niyo ang mekanismong nagbibigay espasyo sa mga sektor na marinig ang kanilang mga boses. Wag niyo po sana hayaang masalaula ito ng mga taong uhaw o nalulunod sa kapangyarihan.

At sa’yo Mr. Cardema, if you really want to serve the young people, you are already in the best position to do so. Tanungin mo si Chairman CY Diño Seguerra, whom i respect so much.”

Photo from Rappler and Abscbn


Loading...