Vice Ganda so touched Dingdong’s message to him

Vice Ganda so touched Dingdong’s message to him

Dingdong Dantes did an appreciation post for his fantastica co-star Vice Ganda. He wrote:

“While aboard the #Fantastica float a couple of days before Christmas. Naikwento sa akin ni @praybeytbenjamin na not so long ago. Kasama siya sa libu-libong mga tao na nag-aabang ng MMFF caravan na dumadaan sa may FEU.

Katulad din ng marami, sobrang nabibighani siya tuwing may dumadaan na mga gumaganap sa pelikula, at di niya nalilimutan yon.

Tignan mo naman ang tadhana— ang dating kumakaway bilang manonood ay siya nang kumakaway mula sa float na tinitingalaan ng marami.

He continued, “Maraming salamat, Vice, at nabigyan ako ng pagkakataon na malaman kung bakit ka ngn ba minamahal ng milyon-milyon nating mga kababayan.

Pagkatapos ng experience kong katarabaho ka, nasabi ko na sa sarili ko, “ah…kaya naman pala.” You give so much of yourself to that difficult quest of entertaining people who need it the most— at the place. and at the right time.

Sabi nga ni PT Barnum, “The noblest art is that of making others happy.” Hindi siya madali, but you always wing it. Congratulations, Fantastic ka!”

Vice Ganda replied to Dingdong’s post and said,

“Maraming Maraming Salamat!!!! Mula noon hanggang ngayon isa akong tagahanga. At isa ka sa mga hinahangaan at inaasam na makita kong artista noon pa man.

At hanggang ngayon palihim akong sumusulyap sayo tulad ng isang pangkaraniwang fan at idagdag pa ang pagkataranta ko ng dumating ang asawa mong si Marian sa set.

Napakapalad ko na ang isang fan na tulad ko ay nakakapiling at nakakatrabaho na ang mga artistang hinahangaan ko.

Nagkakatotoo talaga ang pangarap. Salamat sa pagkakataon!!!! At CONGRATULATIONS sa ating lahat. Tagumpay tayo!!!!”


Loading...